Tuesday, December 17, 2013

Ang Ama ng Selfy

Sa panulat ni: Pa’y Mundo

Ewan ko kung narinig n’yo na ang kwento tungkol sa unang selfy. Pero, sige, i-kwento ko sainyo in a trying hard way. Ganito kasi yun…
 

Noong unang panahon na yung lupa ay malapit pa raw sa Langit, at ang tao'y natatanaw pa ng mga diyos at diyosa, eh mayroon raw isang lalake na isinilang na talagang perpekto sa kagwapuhan; lahat ng mga pogi sa East and West ngayon ay talbog daw sa kanya….ang pangalan niya ay Narcissus.

Si Narcissus ay isang binatang ubod ng kisig, at talagang gandang lalake. Napakaganda ng kanyang itsura, na anupat napapatili ang lahat kapag siya ay nakita. Tila anghel ang kanyang mukha na napakakinis, siya ay may mapulang labi, matangos na ilong, medyo makapal na kilay at nagniningning na mga mata (don’t worry, di sya flashlight). Talbog ang mga hot na mga Hollywood actors sa kanya, as in.

Eto pa, ang kanyang katawan (lalo na yung abs) ay kayganda ng hubog na tila inukit ng mahusay na iskultor. Walang nilalang sa lupa na hindi hahanga sa kakisigan ni Narcissus, na anupat kahit daw yung mga ibon ay nahihimatay pag nakita siya…grabe talaga.
 

Sa katunayan, maging ang mga diyos at diyosa sa kalangitan ay humahanga at sumasaya sa tuwing siya’y natatanaw. Ngiti pa lang kasi, eh ulam na.
 

Well, hindi lingid kay Narcissus ang kanyang perpektong kakisigan, kung kaya't ganun na lamang ang kanyang pag-iingat para sa kanyang mukha at katawan. Actually, maging siya nga eh, nahumaling narin sa kagandahan ng sarili.  At dahil nga raw sa sobrang paghanga ng binata sa kanyang sariling katangian eh walang oras raw na hindi niya tinitingnan sa tubig ang repleksyon ng kanyang kahali-halinang sarili. By the way ito pa pala, kahit daw yung mga Miss Universe natin ngayon ay magmumukang lalake, kapag itinabi kay Narcissus.
 

Now, isang araw, kinailangan ng binatang si Narcissus na maglakbay sa ibang lugar, kung saan ay kailangan niyang bagtasin ang mga gubat.
 

Ang paglalakbay na iyon ay naging mahirap para kay Narcissus. Hindi kasi sana'y ang kanyang maamong mukha at pambihirang katawan sa paglalakbay ng malayo. At ito pa ang masakit para sa kanya, eh since yung kanyang halos na nadadaanan sa paglalakbay ay mga puno at halaman, eh wala siyang time para makita or ma-check ang repleksyon ng sarili sa tubig; bagay syempre na kinasasabikan niyang gawin.

At yun nga isang araw, anong saya ang kanyang nadama ng makakita siya ng batis.  Nagmamadali na lumapit si Narcissus sa batis at tiningnan nito ang sarili sa tubig. At yun nga, halos mapahiyaw siya sa tuwa noong masilayan ang sarili sa tubig. Tuwang-tuwa talaga siya. Halos mapaiyak siya sa kagandahan ng kanyang itsura! As in, hindi niya ma-carry ang reaction niya. Iba’t ibang porma ng pagpapa-cute ang ginawa niya, gamit ang kanyang mata, ilong, labi, pilik-mata, at pati narin ang kanyang katawan ay talagang isinasabay niya ang porma sa paghanga niya sa kanyang mukha. Halos yung mga diyos at diyosa sa Langit ay mag-selos sapagkat kulang na lang ay sabihin ni Narcissus sa sarili, “Oh sambahin ang maganda kong mukha!”
 

At ito pa, para mas lalong makita ni Narcissus ang sarili, eh lalo niya pang inilapit ang mukha sa tubig. Pero…. (oh no!) bigla nalang nadulas ang binata at nahulog pabulusok sa tubig (as in una yung mukha), at ang masakit pa nito ay sumubsod sa magaspang at tila matinik-tinik na bato ang kanyang maamo at magandang mukha (oh men!!! That hurts you know!). And in respect, removing all the paglalarawan sa nangyari sa kanyang maamo, cute, at magandang mukha…eh, namatay si Narcissus, kasi  nalunod siyang wasak ang maamo, cute, at maganda niyang mukha! Tsk! Hay!

May mga Lessons tayong matutuhan sa kwento na ito:

  1. Handle your Beauty with Care. Relax lang. Ang ganda mo nga, baliw ka na naman.
  2. Dapat ang Beauty ay with Brain. Ganda mo nga, wala namang laman utak mo.
  3. Mag-ingat sa Pag-selfy kasi may mga “bato” sa paligid na maaring mag-endanger ng life mo.  Ang mga “bato”  na iyan ay pwedeng yung labis mong paghanga sa sarili, na naghahatid na sayo sa Self-centeredness, Pride, at Selfishness. Pwede ring maging “bato” yung mga personal information mo na nilalagay sa mga Social Networking media, gaya ng Facebook, na anupat madali kang ma-detect ng mga mapagsamantalang Tao, upang samsamin syempre ang kinahuhumalingan mong mukha.
Well, anong bato ang wawasak sa cuteness mo? Pag-isipan. Think…before you Selfy.
 

Sabi nga sa isang quote:
“The emptiest people on this planet are usually the ones full of themselves.”


Wednesday, December 4, 2013

Tamang Edad ng Kabataan Bago Pumasok sa Relasyon



Sa Panulat Ni Jubileen Lee

Ano nga ba ang tamang edad ng kabataan bago pumasok sa isang relasyon? Labingwalong taon (18)? Labinsiyam na taon (19) o dalawampung taon(20)?

Iba na ang henerasyon ngayon, hindi na katulad ng dati.

Sa nagbabagong henerasyon ay nagbabago rin ang mga tao, lalo na ang mga kabataan.

Sa panahon ngayon, mas nagiging curious at insecure na ang mga kabataan sa mga bagay-bagay, sa kung ano meron doon, kung ano ang meron diyan, kung paano yon, kung saan yan, kung kailangan ba yan, kung ano yon at kung ano yan at marami pang iba.

Sa kakatanong ng kabataan, minsan naiisip nila na “kung gawin ko kaya ito.”

At dahil hindi pa nila ito masyadong alam ay naguguluhan sila kung sino ang uunahin, ang pamilya, ang kaibigan, ang kasintahan o ang pangarap.

Hindi masamang magkaroon ng kasintahan, basta ang mahalaga ay hindi ka babagsak.
Ano nga ba ang tamang edad ng kabataan bago pumasok sa isang relasyon?

Para sa akin, hanggang sa kaya mo nang panindigan desisyon mo, hanggang sa kaunti nalang ang iniintindi mo.

Hindi dapat madaliin ang pakikipagrelasyon dahil baka mauwi lang ito sa masama, katulad ng maagang panganganak, depression, pagkakahiwalay sa magulang at pagkakaroon ng masamang bisyo.

Tula at Awit ng Matiyagang Pagibig


Habang Naghihintay
By Franklin T.

Lalaki:
Hinihintay kita oh mahal ko
Nangungulila at nananabik sa piling mo
Nangangarap na maibigay sa iyo
Sadyang kay tagal na mapalapit sa iyo

Babae:
Mangarap ka naako’y mapasa’yo
Ngunit pag-asa mo’y di ko masisiguro
Sapagkat di lang ikaw ang naghihintay sa mundo
Na makamit at matamo ang minimithi mong “Oo”

Lalaki:
Panahon at oras handa kong ilaan
Hamakin ko man ang sundalong sangdaan
Hindi lamang sa kanila kita ipaglalaban
Kun’di pati sa Dios gamit ang panalanginan

Babae:
Maaaring ikaw ang tipong hahamakin ang lahat
Ngunit totoo kayang ang puso mo’y tapat
Sapagkat ang puso ko’y handang ibigay ang lahat
Ngunit nangangamba na ito’y iyong bigyan ng sugat

Lalaki:
Pangamba at takot di ko sa iyo idudulot
Pangako ko yang di mababaluktot
Sapagkat sa panahong iyong ipapahintulot
Yamang pag-ibig ng puso ko ang aking isusuot

Babae:
Iyong pananambit purong minatamis
Lahat ay lubhang malayo sa aking ninanais
Katotohana’y sadyang nalilihis
Sapagkat tunay na pag-ibig sa Dios nawawangis

Lalaki:
Oh binibini di na kita maunawaan
Bakitsa iyo ako’y isang bulaan
Hindi ko alam sa kung papaano pang paraan
Itong pag-ibig sa puso ay patutunayan

Babae:
Hindi lamang panahon ang nais kong iyong ibigay
Dahil higit pa riyan ang aking hinihintay
Nais ko’y ialay ang iyong buhay
Sa Dios na siyang nagpapala sa nag-aantay

(Panandaliang paghinto sa pagbabago ng pananaw)

Lalaki:
Habang naghihintay aking patutunayan
Dahil ika’y mahal Dios natin ay paglilingkuran
Habang nag-aantay di ko Siya tatalikuran

Sabayang pagbigkas:
Dahil habang naghihintay tayo’y kanyang sasamahan
Sa pag-ibig nitong ating buhay