Friday, January 3, 2020

EsP 7 Modyul 3 Pagpapaunlad ng mga Hilig

Kahulugan ng Hilig
         Ang hilig ay preperensiya sa mga particular na uri ng gawain. Ang mga ito ay gumaganyak sa tao na kumilos at      gumawa.Nagsisikap ka kung may motibasyon dahil gusto mo ang iyong ginagawa, hilig mo ito at nagagabayan ka ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa iyong pag-unlad (Santamaria, 2006).
     Ang hilig ay maaaring:
            a.Ito ay natutunan mula  sa ating mga karanasan
            b.Ito ay minamana mula sa ating magulang
            c.Galing sa ating mga pagpapahalaga at kakayahan


        Ang hilig ay nagsisilbing gabay sa pagpili ng mga gawain. Ang nasisiyahang gawin ang isang gawain ay nagsisikap na matapos at may pagmamalaki sa gawaing maayos. Ito ay nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili at pagpapaunlad sa kaniyang tiwala sa sarili.
 
   Mga Paraan ng Pagtuklas ng Hilig
    1.Pagnilayan ang iyong mga hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain.
    2.Siyasatin ang mga gawaing nakakapagpapasigla sayo.
    3.Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasan gawin.

    Mga Larangan ng Hilig
    1.Outdoor – nasisiyahan sa mga gawing panlabas
    2.Mechanical – nasisiyahan sa paggamit ng mga kagamitan (tools)
    3.Computational – nasisiyahan na gumawa gamit ang bilang o numero
    4.Scientific – nasisiyahan sa pagtuklas ng bagong kaalaman, pagdisensyo at pag-imbento ng mga    bagay o produkto.
    5.Persuasive – nanghihikayat at nasisiyahan sa pagkikipag-ugnayan sa ibang tao o pakikipagkaibigan
    6.Artistic – nagiging malikhain at nasisiyahan sa pagdidisenyo ng mga bagay
    7.Literary – mga taong nasisiyahan sa pagbabasa at pagsulat ng mga akdang pampanitikan
    8.Musical – nasisiyahan sa pakikinig o paglikha ng awit o pagtugtog
    9.Social services – nasisiyahang tumulong sa ibang tao
    10.Clerical -  nasisiyahan sa gawaing pang-opisina

No comments:

Post a Comment