Friday, January 3, 2020

EsP 7 Modyul 2 Talento Mo: Tuklasin at Kilalanin

Kahulugan ng Talento at Kakayahan

   Talento
    - ay tumutukoy sa pambihirang kakayahan ng isang tao noong siya ay isinilang.
    - (Webster) ang talento ay ginagamit na kasingkahulugan  ng biyaya at kakayahan. Ito ay biyaya na dapat ibahagi sa iba at likas na kakayahan na kailangan tuklasin at paunlarin.
    - (Thorndike & Barnhart) ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan.
    -(Sikolohista) ang talento ay may kinalaman sa genetics o mga pambihirang katangiang minana sa magulang.
    -Ang talento ay mahirap sukatin, masusukat lamang ito kapag nasaksihan o may naitalang tagumpay.
 Ayon kay Sean Covey, 7 Habit of Highly Effective Teens, ang bawat tao ay may talento at kakayahan.
   
 Kakayahan
    -Ang kakayahan ay kalakasang intelektuwal (intellectual power) upang magawa ang isang pambihirang bagay tulad ng kakayahan sa musika.
    -Ang kakayahan ay masusukat sa pamamagitan ng pamantayang pagsusulit.
    -Kailangang pagtuunan ng oras at panahon ang kakayahan dahil ito ang nagpapahusay sa taglay na talento.
     Si Howard Gardner ay nagsabi na ang bawat tao ay may iba’t ibang talino. Ito ay kanyang teorya na Multiple Intelligences.



       Kailangan paunlarin ang talento at kakayahan dahil hindi sapat ang likas na kakayahan upang maging bihasa at matagumpay sa anumang larangan (pagsasanay). Mahalaga rin ang  pagkakaroon ng hilig sa larangang pinasok. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
      Ang tiwala sa sarili ay paniniwala sa sariling kakayahan.  Kapag ang tao ay nawawalan ng tiwala sa kanyang sarili, maraming pagkakataon o oportunidad ang maari niyang palampasin. Ang tiwala sa sarili ang hindi namamana kundi natutunan, hindi pangkalahatan bagkus iba’t ibang antas sa bawat sitwasyon, nagbabago sa paglipas ng panahon at hindi ito nakasalalay sa mga bagay na labas sa ating sarili.
      Ayon kay Sean Covey, ang pag-unlad ay nagsisimula sa sarili. Kaya kilalanin ang mga talento at kakayahan upang masimulan ang plano sa pagpapaunlad ng sarili.


Ito ay tulong para sa mag-aaral ng EsP Grade 7. Ito ay mula sa aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas,Unang Edisyon 2013, p. 39-47.

No comments:

Post a Comment