Monday, December 2, 2019

EsP 10 Modyul 2 Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob


Tao - ay obra maestra ng Diyos.
  • Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

a.     May kakayahang mag-isip, pumili at gumusto
b.     May kaalaman sa tama at mali
c.     Gumagawa ng malayang pagpil
  • Ang tao ay nilikhang di tapos.

a.     Siya ay may pinaghahandaang kinabukasan.
b.     Walang sinumang nakakaalam ng kanyang kinabukasan.

       Pagkakatulad ng Tao at Hayop
a.     Pandama
b.     Likha ng Diyos
c.     Pagkagusto (appetite)
d.     Pagkilos o paggalaw

Kalikasan ng Tao
Pangkaalamang Pakultad
Pagkagustong pakultad
Materyal (Katawan)
Panlabas na pandama
Emosyon
Ispiritwal (Kaluluwa, Rayonal)
Panloob na Pandama
Isip
Kilos-loob
 






Ayon kay Sto.Tomas de Aquino, may dalawang kalikasan ang tao
1.     Materyal (Nakikita)
2.     Ispiritwal(Di Nakikita)
       Ang kabuuang kalikasan ng Tao (Esteban at Sto. Tomas de Aquino)


      ISIP
               Ang isip ay walang taglay na kaalaman mula kapanganakan.

    Mga Kakayahan ng Isip
  •  Mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

  •  May kapangyarihan maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.

  •  May kakayahan itpng matuklasan ang katotohanan

  •  Magnilay o magmunimuni. Kayang pigilin ang udyok ng damdamin
  • Kakayahang bumuo ng buod o esensiya ng mga particular na bagay na umiiral (mag-abstraksyon).


KILOS-LOOB

  •  Ayon kay Sto Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay makatuwirang pagkagusto(rational appetency). 
  •    Naaakit sa kabutihan at lumalayo sa masama
  • Ito ay umaasa sa paghuhusga ng isip. Sa pamamagitan ng pangangatwiran, naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob.

 Lahat ng ginagawa ay binibigyan natin ng kahulugan dahil man is a meaning maker.





















Ito ay mula sa aklat ng EsP 10 Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas.






No comments:

Post a Comment