“Madaling maging tao, Mahirap magpakatao.”
Madaling maging tao
|
Mahirap magpakatao
|
Pagka-ano ng tao
|
Pagkasino ng tao
|
Ang tao ay may konsensiya, kalayaan,
dignidad, kakayahang rasyonal
|
Persona ng tao na binubuo ng mga katangiang
nagpabukod tangi sa kanya. Ito ay kanyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos
|
3 Yugto ng Pagkasino ng Tao
- Indibiduwal – pagiging hiwalay sa ibang tao
- Persona – paglikha ng pagkasino ng tao. Ito ay proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Nasa iyong kamay ang pagbuo ng iyong pagkasino. Tuklasin ang talento, hilig at kakayahan.
- Personalidad – pinakamataas na antas ng pagkasino ng tao. Pagkamit ng tao sa kanyang kabuuan. Ito ay bunga ng kanyang pagpupunyagi.
- May matibay na pagpapahalaga
- Totoo sa kanyang sarili
- Tapat sa kanyang misyon
- 4Hindi naiimpluwensiyahan ng iba
Mga Katangian ng Pagpapakatao
1. May
Kamalayan sa Sarili
- Kakayahang magnilay o gawing obheto ang kanyang isip.
- Dapat alam, tanggap at ginagamit ang kanyang talento sa pagtulong sa kapwa dahil ito ang magbibigay ng positibong pananaw sa sarili.
2. May
Kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral
- Ito ay kakayahang bumubo ng konklusyon mula sa isang pangyayari (essence of existence)
- Ang essesce of existence sa ibang salita ay layunin ng bawat umiiral o nabubuhay
- Dapat itong maunawaan dahil ito ay may kinalaman sa pag-unlad.
3. Umiiral
na Nagmamahal (ens amans)
- Ito ay galing sa Latin na salitang ens amans
- Pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona
- Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang PUSO ay nakalaan para magmahal.
- Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Ang pagmamahal ay galaw ng damdamin patungo sa tao at bagay na may halaga.
- “Love is blind” – ang pag-ibig o pagmamahal ay may sariling katwiran. Ang tunay na nagmamahal ay hindi humihingi ng kapalit at hindi nghahangad na baguhin ang minamahal ayon sa uri ng tao na kanyang gusto. Tanggap maging sino ka man.
Mga Personalidad ng Pagpapakatao
- Cris “Kesz” Valdez – nanalo ng International Children’s Peace Prize noong 2012 dahil sa kanyang pagkalinga sa mga batang lansangan.
- Roger Salvador – nanalo ng Most Outstanding Corn Farmer sa Rehiyon 2 dahil tinulungan niya ang mga magsasaka na matuto ng mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Siya ay dating banker.
- Joey Velasco – Gumawa ng isang obra tinatawag na “Hapag ng Pag-asa” kung saan kasama ni Jesus sa Huling Hapunan ang mga batang lansangan.
- Mother Teresa ng Calcutta – nanalo ng Nobel Peace Prize noong 1979 dahil sa kanyang pagkalinga at pagmamalasakit sa mga mahihirap, taong hindi minamahal, may sakit na di inaalagaan at sa batang pinapabayaan.
No comments:
Post a Comment