Mga
Palatandaaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagbibinata/Pagdadalaga sa Iba’t Ibang
Aspekto
1. Pangkaisipan
a. Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
b. Mas nakapagmememorya
c. Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
d. Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip
e. Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
f. Nahihilig sa pagbabasa
g. Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan.
2. Panlipunan
a. Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang
b. Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o
pagmamahal
c. Karaniwang nararamdaman ng labis na mahigpit ang mga magulang; nagiging rebelde.
d. Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
e. Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na
malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian
f. Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae
kaysa sa mga lalaki.
3. Pandamdamin
a. Madalas mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakakatanda o may awtoridad
ipinatutungkol ang mga ikinagagalit.
b. Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase at
pangangatawan
c. Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
d. Nagiging mapag-isa sa tahanan
e. Madalas malalim ang iniisip
4. Moral
a. Alam kung ano ang tama at mali
b. Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon
c. Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
d. Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
e. Hindi nagsisinungaling
Tatlong
Mahalagang Layunin
Ang
mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng
pagtanda ng tao ay may tatlong mahalagang layunin:
1. Nagsisilbi itong gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto
ng buhay.
2. Nagsisilbing pagganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita.
3. Malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong
sitwasyon.
Mga
Inaasahang Kakayahan at Kilos na Dapat Malinang ayon kay Havighurst
1. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more
mature relations) sa mga kasing-edad.
Mga Hakbang:
a. Alamin kung ano talaga ang iyong nais sa pakikipag-ugnayan.
b. Ipakita ang tunay na ikaw. Iwasang magkunwari.
c. Panatilihing bukas ang komunikasyon.
d. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao.
e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa.
f. Maglaro at maglibang.
g. Mahalin ang iyong sarili.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o
lalaki.
Kailangan hubugin ng mga nagbibinata at nagdadalaga
ang kanilang papel sa lipunan. Hindi porket ang isang lalaki ay umiyak, siya ay
mahina na. Kadalasan ang papel na ginagampanan natin sa lipunan ay dikta ng
ating kultura.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng
tamang pamamahala sa mga ito.
Magkaroon ng positibong pananaw sa mga pagbabagong
nararanasan. Kumain rin ng mga masustansiyang pagkain at maglaan ng oras para
sa ehersisyo.
4. Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa.
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na
pagpapasiya.
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay.
Mga Hakbang:
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan
b. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan (extracurricular
activities)
c. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin
sa hinaharap.
d. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay o negosyo at
magtanong sa kanilang tagumpay
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahang magpasiya.
f. Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
Ito ay magaganap lamang sa huling yugto ng pagbibinata
o pagdadalaga. Huwag ito madaliin. Bigyan pansin ang mga mahalagang bagay tulad
ng pag-aaral, pagtuklas ng mga talento at pagkakaroon ng mabuting kaibigan.
8. Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa
mabuting asal.
Mahalagang magkaroon ng positibong pag-iisip, pananaw
at damdamin tungkol sa iyong sarili dahil sa pamamagitan nito mapapataas mo ang
iyong tiwala sa sarili. Malilinang ito sa pamamagitang ng:
a. Hayaang mangingibabaw ang iyong mga kalakasan.
b. Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.
c. Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip.
d. Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag palaging
umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at
tagumpay.
Friendly
Reminder: Kailangang
maging maingat at di padalos-dalos sa mga gagawing pagpapasiya at kailangang
maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at
nagpapamalas ng mabuting pamumuhay. Ang iyong desisyon ngayon ay may epekto sa
iyong bukas.
- Ito ay mula sa aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas, Unang Edisyon 2013.
Ito ay dagdag tulong pang-aral ng mga mag-aaral ng EsP Grade 7.