Sunday, December 29, 2019

EsP 7 Modyul 1 Ang mga Inaasahanang Kakayahan at Kilos ng mga Nagbibinata at Nagdadalaga

Mga Palatandaaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagbibinata/Pagdadalaga sa Iba’t Ibang Aspekto
            1.   Pangkaisipan
a.     Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
b.     Mas nakapagmememorya
c.     Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
d.     Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip
e.     Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
f.       Nahihilig sa pagbabasa
g.     Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan.
           2.   Panlipunan
a.     Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang
b.     Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal
c.     Karaniwang nararamdaman ng labis na mahigpit ang mga magulang; nagiging rebelde.
d.     Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
e.     Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang kaibigan sa katulad na kasarian
f.       Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
        3.   Pandamdamin
a.     Madalas mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakakatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang mga ikinagagalit.
b.     Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase at pangangatawan
c.     Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
d.     Nagiging mapag-isa sa tahanan
e.     Madalas malalim ang iniisip
       4.   Moral
a.     Alam kung ano ang tama at mali
b.     Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon
c.     Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
d.     Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
e.     Hindi nagsisinungaling

  Tatlong Mahalagang Layunin
      Ang mga inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat yugto ng pagtanda ng tao ay may tatlong mahalagang layunin:
        1.     Nagsisilbi itong gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng buhay.
        2.     Nagsisilbing pagganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita.
        3.     Malilinang ang kakayahang iakma ang kanyang sarili sa mga bagong sitwasyon.

Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos na Dapat Malinang ayon kay Havighurst
  1.   Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasing-edad.
   Mga Hakbang:
a.     Alamin kung ano talaga ang iyong nais sa pakikipag-ugnayan.
b.     Ipakita ang tunay na ikaw. Iwasang magkunwari.
c.     Panatilihing bukas ang komunikasyon.
d.     Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao.
e.     Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa.
f.       Maglaro at maglibang.
g.     Mahalin ang iyong sarili.
  2.   Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki.
   Kailangan hubugin ng mga nagbibinata at nagdadalaga ang kanilang papel sa   lipunan. Hindi porket ang isang lalaki ay umiyak, siya ay mahina na. Kadalasan ang papel na ginagampanan natin sa lipunan ay dikta ng ating kultura.

 3.   Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
    Magkaroon ng positibong pananaw sa mga pagbabagong nararanasan. Kumain rin ng mga masustansiyang pagkain at maglaan ng oras para sa ehersisyo.

4.   Pagnanais at pagtamo ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.

5.   Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya.

6.   Paghahanda para sa paghahanapbuhay.
   Mga Hakbang:
a.     Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan
b.     Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan (extracurricular activities)
c.     Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap.
d.     Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay o negosyo at magtanong sa kanilang tagumpay
e.     Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahang magpasiya.
f.       Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo.
  7.   Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya.
    Ito ay magaganap lamang sa huling yugto ng pagbibinata o pagdadalaga. Huwag ito madaliin. Bigyan pansin ang mga mahalagang bagay tulad ng pag-aaral, pagtuklas ng mga talento at pagkakaroon ng mabuting kaibigan.

8.   Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) na gabay sa mabuting asal.
   Mahalagang magkaroon ng positibong pag-iisip, pananaw at damdamin tungkol sa iyong sarili dahil sa pamamagitan nito mapapataas mo ang iyong tiwala sa sarili.       Malilinang ito sa pamamagitang ng:
a.     Hayaang mangingibabaw ang iyong mga kalakasan.
b.     Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.
c.     Palaging maging positibo sa iyong mga pag-iisip.
d.     Isipin mo ang iyong mga kakayahan para sa iyong sarili: huwag palaging umasa sa opinyon ng ibang tao, lalo na ang pagtataya sa iyong mga kabiguan at tagumpay.


Friendly Reminder: Kailangang maging maingat at di padalos-dalos sa mga gagawing pagpapasiya at kailangang maging bukas sa pagtanggap ng tulong o payo mula sa mga taong nagmamalasakit at nagpapamalas ng mabuting pamumuhay. Ang iyong desisyon ngayon ay may epekto sa iyong bukas.


- Ito ay mula sa aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral  Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas, Unang Edisyon 2013.

Ito ay dagdag tulong pang-aral ng mga mag-aaral ng EsP Grade 7.


Monday, December 2, 2019

Modyul 4 Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Ang kalayaan ay:

           a. Katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang  kilos tungo sa maaaring hantungan at maaaring paraan upang makamit ang ninanais.  Ang tao ang nagtatakda ng kanyang kilos para sa kanyang sarili.
              
          b.Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao.
     
          c.May kalayaan ang tao na itakda ang kanyang kilos ng may pananagutan


2 Pakahulugan ni Johann sa Kalayaan
                1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako”
                    -Kalayaan nakakabit sa sarili
                    -May pananagutan ang tao sa kalalabasan ng kanyang ginagawa
               
                2.Ang responsibilidad ay kakayahan o abilidad na magbigaynpaliwanang (give account)
                    -May kakayahan tayong bigyan dahilan o paliwanang kung bakit kailangan gawin ang   kilos.

           
Ang Tunay na Kalayaan (Lipio) ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaanng kabahagi ang kanyang kapuwa (magmahal at maglingkod) sa sambayanan.

  
 2 Aspekto ng Kalayaan   
           1.Kalayaan mula sa (freedom from)- ito ay kalayaan mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at layaw sa buhay.
         
           2. Kalayaan para sa (freedom for)- maging malaya ang tao mula sa pansariling hadlang upang maging malaya para sa pagtugon sa pangangaiilangan ng kanyang kapwa, ang magmahal at maglingkod.

 
 2 Uri ng Kalayaan            
 1.Malayang pagpili o horizontal freedom – pagpili kung sa ano ang tingin ng tao na mabubuti sa kanya
               
  2.Fundamental Option o vertical freedom – tinatawag ding inner freedom. Ang pagpili ng tao kung sa fundamental option na pataas tungo sa pagmamahal o sa fundamental option ng pababa tungo sa pagiging makasarili. Kung ang tao ay mabubuhat para sa kanyang kapwa at Diyos o para lamang sa kanyang sarili.

EsP 10 Modyul 3 Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral

Konsensiya
        -Ito ay nagmula sa Latin na salitang “consentia” na ang ibig sabihin ay paglilitis ng sariling     paratang at pagtatanggol.
        -Ang isip ay maymlikas na kaalaman tungkol sa tama at mali na tinatawag na konsensiya.
        -Sa pagkilos ng konsensiya, dapat katulong ang 3 bagay: isip, kilos-loob at damdamin.
        -Ang konsensiya rin ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali, sa mabuting dapat gawin at sa masamang dapat iwasan
        -Ang konsensiya ay praktikal na paghuhusga ng isip.
        -Mahalaga itong maunawaan dahil malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng iyong ugnayan sa Diyos at kapwa.
        -Munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay obligasyon sa tao, nagbubulong, nag-uutos na gawin ang tama at iwasan ang masama.

  Uri ng Konsensiya
        1.Tamang konsensiya – tamang pamantayan ng pag-uugali at moralidad
        2.Maling konsensiya – kung nakabatay lamang sa nakkita mula sa isang tao, nararamdaman at nakikitang ginagawa ng maraming tao
        3.Tiyak na Konsensiya
        4.Di-tiyak na konsensiya

  2 Elemento ng Konsensiya
        1.Pagninilay at paghatol – tinitingnan at pinag-iisipan kung ang gagawing bagay ay mabuti
        2.Pakiramdam – na gawin ang mabuti at iwasan ang masama

   2 Mahalagang Bahagi ng Konsensiya ayon kay Lipio
        1.Paghatol Moral – sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos
        2.Obligasyong Moral – gawin ang mabuto at iwasan ang masama
    Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang konsensiya ay natatanging kilos pangkaisipan. Dahil lahat ng ginagawa ng tao ay dumadaan dito. Hindi lahat ng maling kilos ay masama, ito ay dahil sa kamangmangan.

    

Mga Uri ng Kamangmangan       
        1.Kamangmangang Madaraig (vincible ignorance)- ito ay kawalan ng kaalaman na may paraan pa upang malagpasan. Hindi mo alam dahil hindi ka nagbigay ng oras para malaman at ito ay dahil sa sariling kapabayaan.
        2.Kamangmanngang Di-madaraig (invincible ignorance)- kawalan ng kalaaman na wala ng pamamaraan upang malagpasan.


Apat na Yugto ng Konsensiya
            1.Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti.
                o Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais na naisin ang kabutihan
            2. Ikalawang Yugto:  Ang pagkilatis sa partikulas na kabutihan sa isang sitwasyon.
                o Pag-aaral ng sitwasyon,pangangalap ng mga impormasyon, pagsangguni at pagninilay
            3.Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
            4.Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng sarili/pagninilay ng paghatol 


 Likas na Batas Moral
        Unang prinsipyo, gawin ang mabuti, iwasan ang masama – ito ay hindi makikisabay sa pagbabago ng panahon.
        Ikalawang prinsipyo ay ang mga sumusunod:
            1.Pangalagaan ang sariling buhay
            2.Likas sa tao ang naisin na magkaroon ng anak o magparami

    Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya
        Unang antas: Likas na pakiramdam at reaksyon
        Ikalawang antas: superego
        Ikatlong antas: konsensiyang moral, ang pinakamataas na antas.














Source: EsP 10 Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas

EsP 10 Modyul 2 Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob


Tao - ay obra maestra ng Diyos.
  • Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

a.     May kakayahang mag-isip, pumili at gumusto
b.     May kaalaman sa tama at mali
c.     Gumagawa ng malayang pagpil
  • Ang tao ay nilikhang di tapos.

a.     Siya ay may pinaghahandaang kinabukasan.
b.     Walang sinumang nakakaalam ng kanyang kinabukasan.

       Pagkakatulad ng Tao at Hayop
a.     Pandama
b.     Likha ng Diyos
c.     Pagkagusto (appetite)
d.     Pagkilos o paggalaw

Kalikasan ng Tao
Pangkaalamang Pakultad
Pagkagustong pakultad
Materyal (Katawan)
Panlabas na pandama
Emosyon
Ispiritwal (Kaluluwa, Rayonal)
Panloob na Pandama
Isip
Kilos-loob
 






Ayon kay Sto.Tomas de Aquino, may dalawang kalikasan ang tao
1.     Materyal (Nakikita)
2.     Ispiritwal(Di Nakikita)
       Ang kabuuang kalikasan ng Tao (Esteban at Sto. Tomas de Aquino)


      ISIP
               Ang isip ay walang taglay na kaalaman mula kapanganakan.

    Mga Kakayahan ng Isip
  •  Mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay.

  •  May kapangyarihan maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay.

  •  May kakayahan itpng matuklasan ang katotohanan

  •  Magnilay o magmunimuni. Kayang pigilin ang udyok ng damdamin
  • Kakayahang bumuo ng buod o esensiya ng mga particular na bagay na umiiral (mag-abstraksyon).


KILOS-LOOB

  •  Ayon kay Sto Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay makatuwirang pagkagusto(rational appetency). 
  •    Naaakit sa kabutihan at lumalayo sa masama
  • Ito ay umaasa sa paghuhusga ng isip. Sa pamamagitan ng pangangatwiran, naiimpluwensiyahan ng isip ang kilos-loob.

 Lahat ng ginagawa ay binibigyan natin ng kahulugan dahil man is a meaning maker.





















Ito ay mula sa aklat ng EsP 10 Kagamitan ng Mag-aaral, Kagawaran ng Edukasyon sa Pilipinas.