Ang Pantay na Pagkilala
Golden Rule: "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo."
Sa
pamamagitan nito nakikilala ang karapatan ng bawat indibidwal sa paggalang ng kanyang kapwa.
Ito
rin ay utos ng Diyos na makikita sa Kanyang Banal na Kasulatan, “Mahalin mo ang
iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Ibig sabihin, ang
dignidad ng tao ay nagmula sa Diyos, kaya ito ay LIKAS sa tao at tinataglay ng lahat
ng tao.
Ngunit hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa
kanilang edad, kasanayang pisikal, intelektuwal, moral na kakayahan, mga
benepisyo na natatanggap at pagkakabahagi ng yaman. Dahil dito, ang nais ng
Diyos ay yakapin ng tao ang pagbabahagi ng mga biyaya at regalo na natanggap ng
bawat tao mula sa Kaniya.
Ang pagkakapantay-pantay ng tao ay nakatuon sa
kaniyang DIGNIDAD bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito.
Ano ang dignidad?
·
Ito ay nagmula sa Latin na dignitas na ang ibig
sabihin ay “karapat-dapat.”
· Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging
karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapwa.
Lahat ng tao, anuman ang kanyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at
kakayahan ay may dignidad. Kung kaya wala itong pinipili at hindi rin ito
para sa iilan lamang. Ayon kay Papa Juan Pablo II para sa mga magsasaka at
manggagawang Pilipino,
“May
karapatan kayong mamuhay at pakitunguhan kayo nang naaayon sa inyong dangal
bilang tao; at kasabay nito, may karampatang tungkulin din kayo na makitungo sa
kapwa sa ganitong paraan.”
Dahil sa dignidad, kailangan tuparin ng tao ang
kanyang tungkulin na ituring ang kanyang kapwa bilang natatanging anak ng Diyos
na may dignidad.
Mga Obligasyong Nakabatay sa Dignidad ng Tao ayon
kay Prof. Patrick Lee:
1.
Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa
2.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
3.
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin
nilang pakikitungo sa iyo.
Mga Paraan ng Pagkilala at Pagpapahalaga sa
Dignidad ng Tao
1. Pahalagahan
mo ang tao bilang tao.
Igalang at ituring mo ang tao
bilang may dangal at hindi isang kasangkapan na nagtataglay ng kapakinabangan. Wala
man siyang tinapos na kurso, siya man ay bata o matanda o may espesyal na
kondisyon, ay nararapat na igalang.
2. Ang
paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t siya ay
nabubuhay.
Isaalang-alang ang makabubuti
para sa iyong kapwa. Halimbawa, ang pagmamahal ng anak sa magulang ay dapat
walang pasubali o walang hinihintay na kapalit.
TANDAAN: Ang tao ang pinakabukod-tangi sa lahat
ng nilikha ng Diyos dahil sa taglay niyang isip at kilos-loob. Nakatatanggap
tayo ng labis-labis na biyaya, pagmamahal at pagpapahalaga mula sa Kanya. Kung minsan
bulag tayo sa katotohanang ito kung kaya
nakakaramdam tayo ng kakulangan at pagka-inggit sa iba. Ang lahat ng mataryal
na bagay ay sa lupa lamang, hindi natin dapat na inuubos ang ating panahon at
pagod sa mga bagay na ito. Ang halaga ng tao ay hindi sa anumang “mayroon” siya
kundi sa kung “ano” siya bilang tao. Kung ito ay naiintidihan ng lahat ng tao siguradong
mapapanatili nito ang mataas na antas ng dignidad ng bawat tao sa anumang uri
ng lipunan. Kailangan mo ang tulong mula sa iyong sarili, sa iyong kapwa at sa
Diyos upang maisagawa ito. May dignidad ang lahat ng tao.
Ito ay mula sa aklat ng Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Kagamitan ng Mag-aaral ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas sa
pahina 155-157.
Salamat shoppe charr thanksss
ReplyDelete