Tuesday, January 16, 2024

The Word of God is like a Mirror

Sa kasabihang Pinoy, "Bato bato sa langit ang matamaan, 'wag magagalit." Madalas sinasabi ito kapag may babangiting medyo sensitibong bagay at ayaw makasakit ng kapwa. Ngunit sa usapin ng Salita ng Diyos, hindi ito nagbabala sa atin na umilag. Sapagkat, ang Salita ng Diyos ay makapangyarihan, mabisa at angkop sa lahat ng sitwasyon ng buhay; tanggapin man natin o hindi. Kaya may pagkakataon na sapol talaga tayo minsan. Ngunit huwag magdamdam, dahil kung tayo ay tatalima, ito'y para sa ating kabutihan.


Monday, January 8, 2024

Disappointment

 

          Ang katagang ito ay mula sa aklat ni Lysa Terkeurst na pinamagatang, "It's not Supposed to be this Way". Ito ay nagpapaalala sa atin na ang bawat problema at kabiguan ay may dahilan. Madalas kung tayo ay nasa 'in denial stage', nahihirapan tayong tanggapin ang mga bagay-bagay. Ngunit lagi nating tandaan, hindi purket may mga suliranin tayo ay pinagkaitan na tayo ng Diyos ng mabuting bagay kundi ito ay paraan Niya upang tayo ay lumapit at manumbalik sa Kanya. Kaya't pakasuriin natin ang ating sarili baka naman tayo ay lumalayo na sa ating Diyos na may alam at naghahangad ng kabutihan para sa atin.